Sakit na Ebola
Ebola virus disease | |
---|---|
Litrato noong 1976 ng dalawang mga nars na nakatayo sa harapan ni Mayinga N., isang na mayroong sakit na mula sa birus na Ebola; namatay siya pagdaka pagkaraan lamang ng ilang mga araw dahil sa labis na pagdurugo sa loob ng katawan. | |
Espesyalidad | Infectious diseases |
Ang Ebola virus disease (EVD) o Ebola hemorrhagic fever (EHF), na maisasalin bilang sakit mula sa birus na Ebola at lagnat na may pagdurugo dahil sa Ebola, ay karamdaman ng tao na dulot ng birus na Ebola. Ang mga sintomas ay karaniwang nagsisimula sa dalawang araw hanggang tatlong linggo pagkatapos na mahawaan ng virus, nang may lagnat, masakit na lalamunan, mga pananakit ng kalamnan, at mga pananakit ng ulo. Karaniwan itong sinusundan ng pagkaramdam na parang nasusuka, pagsusuka, at pagtatae, na may kasamang panghihina ng atay at mga bato. Sa puntong ito, ang mga ilang tao ay magsisimulang magkaroon ng problemang pagdurugo.[1]
Sanhi at diyagnosis
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang birus ay maaaring maihawa sa pamamagitan ng pagkakontak sa dugo o (mga) likido mula sa katawan ng isang nahawaang hayop (na karaniwan ay mga tsonggo o fruit bat, paniking kumakain ng prutas).[1] Ang pagkakahawa sa pamamagitan ng hangin sa natural na kapaligiran ay hindi naidokumento.[2] Ang mga fruit bat ay pinaniniwalaang nagdadala at nagkakalat ng virus nang hindi nahahawaan. Sa sandaling nahawaan ang isang tao, kakalat na rin ang karamdaman sa mga tao. Ang mga kalalakihan nakaligtas ay maaaring maihawa ang karamdaman sa pamamagitan ng semilya nang halos dalawang buwan. Para makapaggawa ng diyagnosis, ang mga karaniwang karamdaman na may napaparehong sintomas na tulad ng malaria, cholera at mga iba pang viral hemorrhagic fever ay isasantabi muna. Para kumpirmahin ang diyagnosis, ang mga sampol ng dugo ay susuriin para sa viral na antibodies, viral na RNA, o ang mismong virus.[1]
Pag-iwas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasama sa pag-iwas ang pagbabawas ng pagkakahawa ng mga tao ng karamdaman galing sa mga naipeksiyon na tsonggo at baboy. Ito ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagsusuri kung ang mga naturang hayop ay may impeksiyon at pagpatay sa mga ito at maaayos na paglilibing sa mga ito kung natuklasang may karamdaman. Maaari ring makatulong ang pagluto ng mabuti ng karne at paggamit ng pamprotektang kasuotan kapag humahawak ng karne, pati rin ang pagsuot ng pamproteksiyon kasuotan at paghugas ng mga kamay kapag nasa paligid ng isang taong may karamdaman. Ang mga sampol ng mga likido at tisyu mula sa katawan ng mga taong may ganitong karamdaman ay dapat na bigyan na natatanging pag-iingat kapag gagalawin ang mga ito.[1]
Paggamot, prognosis at epidemiyolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Walang partikular na paggamot para sa karamdaman; ang pagsisikap para matulungan ang taong naimpeksiyon nito ay maaaring may kinalaman sa pagbigay ng alin man sa oral rehydration therapy (bahagyang matamis at maalat na tubig na iinumin) o intravenous fluids.[1] Ang sakit ay may mataas na bilang ng namamatay: madalas na pumapatay ng nasa pagitan ng 50% at 90% ng mga naimpeksiyon ng virus.[1][3] EVD ay unang natukoy sa Sudan at sa Democratic Republic of the Congo. Ang sakit at karaniwang nagaganap sa mga epidemya sa mga tropikal na rehiyon ng Sub-Saharan Africa.[1] Simula noong 1976 (noong ito ay unang natukoy) hanggang 2013, mas kaunti kaysa sa 1,000 na katao kada taon ang naimpeksiyon.[1][4] Ang pinakamalaking epidemya hanggang sa ngayon ay ang kasalukuyang nagaganap na 2014 na epidemya ng Ebola sa Kanlurang Aprika, na umaapekto sa Guinea, Sierra Leone, Liberia at malamang ang Nigeria.[5][6] Hanggang nito Agosto 2014, may mahigit sa 1600 na kaso na ang natukoy.[7] Kasalukuyang patuloy na pinagsisikapan ang makabuo ng bakuna; gayun pa man, wala pa rin ito.[1]
Tingnan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 "Ebola virus disease Fact sheet N°103". World Health Organization. Marso 2014. Nakuha noong 12 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2014 Ebola Virus Disease (EVD) outbreak in West Africa". WHO. Apr 21 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hulyo 2014. Nakuha noong 3 August 2014.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ C.M. Fauquet (2005). Virus taxonomy classification and nomenclature of viruses; 8th report of the International Committee on Taxonomy of Viruses. Oxford: Elsevier/Academic Press. p. 648. ISBN 9780080575483.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ebola Viral Disease Outbreak — West Africa, 2014". CDC. Hunyo 27, 2014. Nakuha noong 26 Hunyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CDC urges all US residents to avoid nonessential travel to Liberia, Guinea, and Sierra Leone because of an unprecedented outbreak of Ebola". CDC. Hulyo 31, 2014. Nakuha noong 2 Agosto 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Outbreak of Ebola in Guinea, Liberia, and Sierra Leone". CDC. Agosto 4, 2014. Nakuha noong 5 Agosto 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ebola virus disease update - West Africa". WHO. Agosto 4, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Nobiyembre 2014. Nakuha noong 6 Agosto 2014.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong)
- Bibliyograpiya
- Klenk, Hans-Dieter (Enero 1999). Marburg and Ebola Viruses (Current Topics in Microbiology and Immunology). Berlin: Springer-Verlag Telos. ISBN 978-3-540-64729-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: ref duplicates default (link) - Klenk, Hans-Dieter; Feldmann, Heinz (2004). Ebola and Marburg viruses: molecular and cellular biology (Limited preview). Wymondham, Norfolk, UK: Horizon Bioscience. ISBN 978-0-9545232-3-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: ref duplicates default (link) - Kuhn, Jens H. (2008). Filoviruses: A Compendium of 40 Years of Epidemiological, Clinical, and Laboratory Studies. Archives of Virology Supplement, vol. 20 (Limited preview). Vienna: SpringerWienNewYork. ISBN 978-3-211-20670-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: ref duplicates default (link) - McCormick, Joseph; Fisher-Hoch, Susan (1999) [1996]. Level 4: Virus Hunters of the CDC (Limited preview). Horvitz, Leslie Alan (ika-Updated [3rd] (na) edisyon). Barnes & Noble. ISBN 978-0-7607-1208-5.
{{cite book}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: ref duplicates default (link) - Pattyn, S. R. (1978). Ebola Virus Haemorrhagic Fever (ika-1st (na) edisyon). Amsterdam: Elsevier/North-Holland Biomedical Press. ISBN 0-444-80060-3. Inarkibo mula sa orihinal (Full free text) noong 2010-12-11. Nakuha noong 2014-08-30.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: ref duplicates default (link) - Ryabchikova, Elena I.; Price, Barbara B. (2004). Ebola and Marburg Viruses: A View of Infection Using Electron Microscopy. Columbus, Ohio: Battelle Press. ISBN 978-1-57477-131-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: ref duplicates default (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ViralZone: Ebola-like viruses – Repositoryong birolohikal mula sa Swiss Institute of Bioinformatics
- CDC: Ebola hemorrhagic fever – Centers for Disease Control and Prevention, Special Pathogens Branch
- WHO: Ebola haemorrhagic fever – World Health Organization, Global Alert and Response
- Virus Pathogen Database and Analysis Resource (ViPR): Filoviridae[patay na link]
- 3D macromolecular structures of the Ebola virus archived in the EM Data Bank(EMDB) Naka-arkibo 2014-08-08 sa Wayback Machine.
- Google Map of Ebola Outbreaks Naka-arkibo 2014-08-19 sa Wayback Machine.
- WHO recommended infection control measures Naka-arkibo 2014-08-16 sa Wayback Machine.