Pumunta sa nilalaman

Miss World 1975

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss World 1975
Petsa20 Nobyembre 1975
Presenters
  • David Vine
  • Ray Moore
PinagdausanRoyal Albert Hall, Londres, Reyno Unido
Brodkaster
Lumahok67
Placements15
Bagong sali
  • Curaçao
  • El Salvador
  • Hayti
  • Santa Lucia
  • Suwasilandiya
Hindi sumali
  • Botswana
  • Ekwador
  • Espanya
  • Hamayka
  • Madagaskar
  • Sambia
Bumalik
  • Bulibya
  • Kuba
  • Lupangyelo
  • Luksemburgo
  • Mawrisyo
  • Peru
  • Seykelas
  • Trinidad at Tobago
  • Tunisya
  • Turkiya
  • Urugway
NanaloWilnelia Merced
Puerto Rico Porto Riko
CongenialityMaggie Siew
Singapore Singapura
PhotogenicVinah Thembi Mamba
Eswatini Suwasilandiya
← 1974
1976 ⊟

Ang Miss World 1975 ay ang ika-25 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 20 Nobyembre 1975.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni ni Anneline Kriel ng Timog Aprika si Wilnelia Merced ng Porto Riko bilang Miss World 1975. Ito ang unang beses na nanalo ang Porto Riko bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Marina Langer ng Alemanya, habang nagtapos bilang second runner-up si Vicki Harris ng Reyno Unido.

Animnapu't-pitong kandidata mula sa animnapu't-anim na bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina David Vine at Ray Moore ang kompetisyon.[1]

Royal Albert Hall, ang lokasyon ng Miss World 1975

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Animnapu't-pitong kandidata mula sa animnapu't-anim na bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Pitong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process, at tatlong kandidata ang nailuklok matapos bumitiw ang orihinal na kalahok.

Simula sa edisyong ito, pinagbabawalan na ng Miss World Organization ang paglahok ng mga ina sa kompetisyon.[2][3] Ito ay matapos na biglaang bumitiw si Helen Morgan bilang Miss World noong nakaraang taon dahil sa matinding interes ng media na nagkaroon ng negatibong epekto sa kanya.[4][5]

Dapat sanang lalahok si Anna Vitale ng Italya sa edisyong ito. Gayunpaman, matapos matuklasan na nagkaroon bigla ng sakit ang kanyang ina, napagdesisyunan ni Vitale na bumitiw na lamang sa kompetisyon. Siya ay pinalitan ni Vanna Bortolini. Dapat sanang lalahok ang first runner-up ng Miss Finland 1975 si Merja Tammi sa edisyong ito.[6][7] Gayunpaman, matapos magwagi bilang Miss Young International 1975 noong Agosto,[8] ipinadala na lamang si Leena Kaarina Vainio bilang kanyang kapalit.

Inisyal na kakatawan para sa Timog Aprika si Miss South Africa 1975 Helga Vera Johns.[9] Gayunpaman, natuklasan na si Johns ay galing sa Rhodesia,[10][11] na siyang hindi kinikilala ng Reyno Unido, at naninirahan pa lamang ng tatlong taon si Johns sa Timog Aprika. Dahil labag ito sa patakaran ng Miss World na dapat nakatira ng hindi bumababa sa limang taon ang kandidata sa bansang kanyang kinakatawan, napagdesisyunan ni Julia Morley na idiskwalipika si Johns.[12][13][14] Bagama't nadiskwalipika na, pinanatili pa rin si Johns bilang panauhin ng mga Morley. Pinapadala ng mga organizer ng Miss World ang dalawang runner-up ni Johns sa Miss South Africa na sina Crystal Coopers at Rhoda Rademeyer. Dapat sanang papalitan ni Coopers si Johns bilang kinatawan ng Timog Aprika sa Miss World,[15] ngunit hindi ito pinayagan ng kanyang ama matapos nilang malaman na mananatili pa rin kay Johns ang titulong Miss South Africa. Dahil dito, si Rademeyer ang naging kinatawan ng Timog Aprika sa Miss World.[16]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang mga bansang Curaçao, El Salvador, Hayti, Santa Lucia, at Suwasilandiya. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Kuba na huling sumali noong 1955, Bulibya at Urugway na huling sumali noong 1965, Trinidad at Tobago at Tunisya na huling sumali noong 1971, at Luksemburgo, Lupangyelo, Mawrisyo, Peru, Seykelas, at Turkiya na huling sumali noong 1973.

Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Botswana, Ekwador, Espanya, Hamayka, Madagaskar, at Sambia. Hindi sumali sina Lucy Mosinyi ng Botswana at Karen Andrea Hollihan ng Ekwador dahil sa kakulangan sa pondo upang ipadala sa Londres. Hindi sumali si Lydia Malcolm ng Hamayka dahil hindi kinikilala ng Miss World ang organisasyong pumili kay Malcolm bilang opisyal na mayhawak ng prangkisa ng Hamayka sa Miss World.[17] Hindi sumali si Brenda May ng Sambia dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali si Olga Fernández ng Espanya matapos magdalamhati sa pagkamatay ng pangulo ng Espanya na si Francisco Franco.[18][19] Dahil sa kanyang pagbitiw, kinailangan siyang i-edit ng BBC sa pre-recorded video ng parade of nations ng edisyong ito.

Inaasahang lalahok sina Diana Anker ng Guwatemala, Anina Horta ng Panama,[20] María Angela Medina Monjagata ng Paragway,[21] at Raquel Argandoña ng Tsile,[22] ngunit hindi sila sumulpot sa Londres.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1975 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1975
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 7
Top 15

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Kandidata
Miss Photogenic
Miss Congeniality

Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.[25]

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • John Conteh – Ingles na boksingero
  • Susan George – Ingles na aktres
  • Kiki Håkansson – Miss World 1951 mula sa Suwesya
  • Richard Johnson – Ingles na aktor
  • Linda Lewis – Ingles na mang-aawit
  • Sir James Mancham – Punong Ministro ng Seykelas
  • Eric Morley – Pangulo ng Mecca at tagapagtatag ng Miss World
  • Nyree Dawn Porter – Aktres mula sa Bagong Silandiya
  • Oliver Reed – Ingles na aktor

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Animnapu't-pitong kandidata ang lumahok para sa titulo.[26]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Marina Langner[27] 22 Düsseldorf
Arhentina Arhentina Lilian Noemi De Asti[28] 19 Buenos Aires
Aruba Cynthia Bruin[29] 18 Oranjestad
Australya Anne Davidson[30] 21 Croydon
Austria Austrya Rosemarie Holzschuh[31] 21 Kitzbuhel
New Zealand Bagong Silandiya Janet Nugent 20 Palmerston North
Bahamas Bahamas Ava Burke[32] 17 Nassau
Barbados Barbados Peta Greaves 20 Bridgetown
Belhika Belhika Christine Delmelle[33] 18 Liège
Venezuela Beneswela María Conchita Alonso[34] 20 Caracas
Bermuda Bermuda Donna Wright[35] 22 St. David's
Brazil Brasil Zaida Costa 21 Bahía
Bolivia Bulibya María Mónica Guardia 18 Cochabamba
Curaçao Elvira Bakker[36] 21 Willemstad
Denmark Dinamarka Pia Isa Lauridsen 22 Copenhague
El Salvador El Salvador Ana Stella Comas 18 San Salvador
Estados Unidos Estados Unidos Annelise Ilschenko[37] 17 Middleburg Heights
Greece Gresya Bella Adamopoulou[38] 20 Atenas
Guam Guam Dora Camacho 20 Agana
Guernsey Carol Le Billon[39] 17 Saint Peter Port
Hapon Hapon Chiharu Fujiwara[40] 20 Toyama
Hayti Joelle Apollon 20 Puerto Principe
Gibraltar Hibraltar Lillian Anne Lara[41] 23 Hibraltar
Honduras Etelinda Mejía[42] 19 Yoro
Hong Kong Teresa Chu 22 Hong Kong
India Indiya Anjana Sood 19 Shimla
Irlanda (bansa) Irlanda Elaine Rosemary O'Hara[39] 20 Dublin
Israel Israel Atida Mor[39] 19
Italya Italya Vanna Bortolini[43] 22
 Jersey Susan Maxwell de Gruchy 21 Saint Helier
Canada Kanada Normande Jacques[44] 22 Blind River
Colombia Kolombya Amanda Correa 21 Guajira
Costa Rica Kosta Rika María Mayela Bolaños 17 San José
Kuba Kuba Maricela Clark[45] 22 Santiago de Cuba
Lebanon Libano Ramona Karam[46] 20 Beirut
Luxembourg Luksemburgo Marie Therese Manderschied[47] 19 Tétange
Iceland Lupangyelo Halldóra Björk Jónsdóttir[48] 22 Reikiavik
Malaysia Malaysia Siti Fauziah Haron[49] 19 Johor
Malta Malta Marie Grace Ciantar 18 Kalkara
Mauritius Mawrisyo Marielle Tse Sik-Sun[50] 23 Port Louis
Mexico Mehiko Blanca Patricia López 19 Jalisco
Nicaragua Nikaragwa María Auxiliadora Paguaga Mantilla 19 Managua
Norway Noruwega Sissel Gulbrandsen[51] 23
Netherlands Olanda Barbara Ann Neefs[52] 17 Utrecht
 Peru Mary Orfanides[53] 22 Lima
Pilipinas Suzanne Gonzalez[54] 17 Maynila
Finland Pinlandiya Leena Vainio[55] 23 Helsinki
Puerto Rico Porto Riko Wilnelia Merced[56] 18 Caguas
Pransiya Sophie Perin[57] 18 Talange
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Carmen Rosa Arredondo 19 Santo Domingo
United Kingdom Reyno Unido Vicki Ann Harris[58] 22 Londres
Santa Lucia Sophia St. Omer 19 Castries
Seykelas Amelie Michel[59] 17 Victoria
Singapore Singapura Maggie Siew[60] 21 Singapura
Sri Lanka Sri Lanka Angela Seneviratne[61] 17 Colombo
Eswatini Suwasilandiya Vinah Thembi Mamba[62] 25 Mbabane
Suwesya Suwesya Agneta Magnusson 20 Estokolmo
Switzerland Suwisa Franziska Angst 20 Bern
Thailand Taylandiya Raevadee Pattamaphong[63] 18 Bangkok
South Africa Timog Aprika Lydia Gloria Johnstone 21
Rhoda Rademeyer[16] 20 Pretoria
Timog Korea Timog Korea Lee Sung-hee[64] 19 Seoul
Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago Donna Sandra Dalrymple 19 Puerto Espanya
Tunisia Tunisya Monia Dida[65] 20 Tunis
Turkey Turkiya Harika Degirmenci[66] 22 Istanbul
Uruguay Urugway Carmen Abal 22 Montevideo
Yugoslavia Lidija Velkovska[67] 19 Skopje
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Miss World 25 years on". Evening Times (sa wikang Ingles). 20 Nobyembre 1975. p. 5. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ban on mums in Miss World contest". The Straits Times (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 1974. p. 2. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Closer check on Miss World entrants". The Straits Times (sa wikang Ingles). 1 Disyembre 1974. p. 3. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Owen, Jonathan (6 Nobyembre 2011). "Miss World who gave up her crown returns to the pageant for the first". The Independent (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Miss World 74 treedt af". Het Parool (sa wikang Olandes). 27 Nobyembre 1974. p. 11. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Nieminen, Arja (7 Pebrero 2015). "Annen suurta juhlaa - tasavuodet täyteen kaunottarena". Iltalehti (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 6 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Korpela, Tanja (29 Agosto 2019). "Seura: Ex-missi Merja Tammi rakastui naapuriinsa ja erosi - kahden perheen uusperhe-elämä oli painajainen Eemeli-pojalle" [Company: Ex-miss Merja Tammi fell in love with her neighbor and divorced - the new family life of two families was a nightmare for the Eemeli boy]. Iltalehti (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 6 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Lietsala, Linda (29 Agosto 2019). "Seura: Ex-missi Merja Tammi rakastui naapuriinsa ja erosi – sitten alkoi uusperhe-elämä, joka teki Eemeli-pojasta sulkeutuneen ja epäluuloisen" [Society: Ex-miss Merja Tammi fell in love with her neighbor and divorced - then the new family life began, which made the Eemeli boy withdrawn and suspicious]. Ilta-Sanomat (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong 6 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Out of contest". Papua New Guinea Post-Courier (sa wikang Ingles). 24 Nobyembre 1975. p. 6. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Two beauties spark title controversy". New Nation (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1975. p. 7. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Favourite for Miss World banned". Daily Post (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1975. p. 1. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Miss World favourite is banned". The Glasgow Herald (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1975. p. 1. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Miss World shock". New Nation (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1975. p. 1. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Miss Zuid-Afrika al uitgeschakeld". Nieuwsblad van het Noorden. 14 Nobyembre 1975. p. 3. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "A new Miss S. Africa". New Nation (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1975. p. 5. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 "Rhoda, the new Miss South Africa". The Straits Times (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1975. p. 3. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "When the reign is over". The Gleaner (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Uebersax, Peter (21 Nobyembre 1975). "Body of Franco to lie in state for 50 hours". The Bryan Times (sa wikang Ingles). p. 1. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Spaanse schone ging naar huis" [Spanish beauty went home]. De Telegraaf (sa wikang Olandes). 21 Nobyembre 1975. p. 1. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Estas son las panameñas que participaron de Miss Universo". Telemetro (sa wikang Kastila). 7 Enero 2015. Nakuha noong 10 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Coronel, Raul (15 Oktubre 2021). "Te presentamos a todas nuestras representantes en Miss Universe". Epa! (sa wikang Kastila). Nakuha noong 11 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Así luce Raquel Argandoña, ex Miss Chile, a sus 64 años". Terra (sa wikang Kastila). 20 Pebrero 2022. Nakuha noong 14 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 23.2 23.3 23.4 23.5 23.6 "Village girl is new Miss World". New Nation (sa wikang Ingles). 21 Nobyembre 1975. p. 1. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Maggie gets that ontop-oftheworld feeling". The Straits Times (sa wikang Ingles). 21 Nobyembre 1975. p. 1. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "BEAUTY JUDGES PLAYED POLITICS: MISS U.S." The Straits Times (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 1975. p. 2. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Miss World shock". New Nation (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1975. p. 1. Nakuha noong 14 Disyembre 2023 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Miss runner-up bares it all..." New Nation (sa wikang Ingles). 22 Nobyembre 1975. p. 5. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Kissinger, el personaje preferido". El Tiempo (sa wikang Kastila). 9 Hulyo 1976. pp. 3B. Nakuha noong 19 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Aruba present op Miss World-keuze". Amigoe di Curacao (sa wikang Olandes). 8 Nobyembre 1975. p. 5. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Victorian wins title of Australia's Dream Girl". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 11 Setyembre 1975. p. 1. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Calderon, Beatriz (25 Setyembre 2023). ""Me gustan los frijoles y las pupusas": esto dijo la finlandesa que ganó Miss Universo 1975 sobre El Salvador". La Prensa Grafica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Craig, Neil Alan (7 Oktubre 2010). "Remembering Bahamas' Queens at Miss World (1966 - 2010) on Miss World 60th Anniversary". The Bahamas Weekly (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Neuman, William (18 Setyembre 2014). "Venezuela: Move to Revoke Actress's Citizenship". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 6 Abril 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Photo album of 1975 Miss Bermuda". Fame Magazine (sa wikang Ingles). Hulyo 1975. pp. 20–25. Nakuha noong 17 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Bermuda National Library.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Veel liefs uit Londen". Algemeen Dagblad (sa wikang Olandes). 12 Nobyembre 1975. p. 7. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Ohio girl selected". The Spokesman-Review (sa wikang Ingles). Google News Archive. 18 Agosto 1975. Nakuha noong 13 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Μπέλλα Αδαμοπούλου: Πένθος για το πρώην μοντέλο των 80s" [Bella Adamopoulou: Mourning for the former model of the 80s]. In.gr (sa wikang Griyego). 26 Nobyembre 2022. Nakuha noong 5 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. 39.0 39.1 39.2 "Missen dansen door Londen". Nieuwsblad van het Noorden (sa wikang Olandes). 12 Nobyembre 1975. p. 3. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Asian beauties show their form". The Straits Times (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1975. p. 26. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "The evolution of the model: How has the face of fashion changed over the years?". ITVX (sa wikang Ingles). 30 Nobyembre 2015. Nakuha noong 6 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Gámez, Sabino (25 Abril 2008). "El Miss Honduras, una historia que contar". La Prensa (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Ecco l'italiana per Miss Mondo". La Stampa (sa wikang Italyano). 17 Nobyembre 1975. p. 3. Nakuha noong 6 Abril 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "Miss Dominion at fair". The Sun and the Erie County Independent (sa wikang Ingles). 20 Agosto 1975. p. 2. Nakuha noong 14 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Miss 'Free Cuba' debunks protest". St. Petersburg Times (sa wikang Ingles). 28 Nobyembre 1975. p. 40. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. Maroun, Bechara (2 Setyembre 2022). "Yasmina Zaytoun, une Miss Liban qui veut tracer son propre chemin" [Yasmina Zaytoun, a Miss Lebanon who wants to chart her own path]. L'Orient-Le Jour (sa wikang Pranses). Nakuha noong 5 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "Puerto Rico beauty reigns as Miss World". The Leader-Post (sa wikang Ingles). 22 Nobyembre 1975. p. 26. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. ""Eg vil alltaf troða öllu á stundatöfluna í einu". Morgunblaðið (sa wikang Islandes). 11 Hunyo 1978. p. 54. Nakuha noong 1 Pebrero 2023 – sa pamamagitan ni/ng Tímarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "JOHORE GIRL CROWNED MISS MALAYSIA". eresources.nlb.gov.sg. Nakuha noong 2023-11-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "Maria Allard, Miss Mauritius d?un décevant concours" [Maria Allard, Miss Mauritius in a disappointing competition]. L'express (sa wikang Pranses). 11 Hunyo 2004. Nakuha noong 24 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "Some nice camer work". Daily News (sa wikang Ingles). 12 Nobyembre 1975. p. 36. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. "OP NAAR DE WERELDTITEL". De Telegraaf (sa wikang Olandes). 13 Agosto 1975. p. 4. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "World of fun". The Spokesman-Review (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1975. p. 35. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Burton-Titular, Joyce (1 Oktubre 2013). "From Vivien to Megan: The PH in Miss World history". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Suomen kaunein toivoi maailmanrauhaa, ja kirkossa riehuneille langetettiin kuritushuonetta ja vankeutta" [The most beautiful of Finland wished for world peace, and those who rioted in the church were sentenced to punishment room and imprisonment]. Aamulehti (sa wikang Pinlandes). 14 Pebrero 2024. Nakuha noong 6 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "Inside the life of the late Bruce Forsyth's wife Wilnelia Merced". The Sun (sa wikang Ingles). 1 Marso 2024. Nakuha noong 5 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. Dematte, Delphine (18 Nobyembre 2021). "Metz. Savez-vous qui a été élue Miss France puis Miss International ?". Le Républicain Lorrain (sa wikang Pranses). Nakuha noong 14 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "Competing". Gazette News-Current. 15 Nobyembre 1975. p. 1. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. "Enchanting piper..." Evening Times (sa wikang Ingles). 4 Nobyembre 1975. p. 5. Nakuha noong 5 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. "It's real estate girl Maggie's crown". The Straits Times (sa wikang Ingles). 27 Setyembre 1975. p. 30. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. Indrakumar, Menaka (22 Oktubre 2021). "Down Memory Lane with Angela". Sunday Observer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. "Six of the best". Daily Post (sa wikang Ingles). 12 Nobyembre 1975. p. 1. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. "A slight flutter over two Miss World contestants". The Straits Times (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1975. p. 3. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. "Beauties get together". New Nation (sa wikang Ingles). 11 Nobyembre 1975. p. 6. Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. Ben Khalifa, Lotfi (14 Pebrero 2019). "Voyage avec les nymphes tunisiennes". Le Temps (sa wikang Pranses). Nakuha noong 30 Enero 2023 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. "Miss Turkey listesi, geçmişten günümüze Miss Turkey birincileri" [All past Miss Turkey winners]. Habertürk (sa wikang Turko). 22 Setyembre 2017. Nakuha noong 12 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. Hernandez Mercado, Damaris (19 Disyembre 2016). "Ella fue nuestra PRIMERA CORONA Wilnelia Merced Miss Mundo". Primera Hora (sa wikang Kastila). Nakuha noong 6 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng PressReader.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]