Pumunta sa nilalaman

Krup

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Krup
Klasipikasyon at panlabas na mga pinanggalingan
Ang palatandaang kahugis ng tore na nakikita sa pang-anatomiyang larawan ng leeg ng isang batang may krup na nakunan ng X-ray
ICD-10J05.0
ICD-9464.4
DiseasesDB13233
MedlinePlus000959
eMedicineped/510 emerg/370 radio/199
MeSHD003440

Ang croup, na tinatawag ding laryngotracheobronchitis, ay ang katawagan sa wikang Ingles para sa karamdamang krup, sindroma ng krup o laringgotrakeyobronkitis - ang pamamaga ng babagtingan (gulung-gulungan o lalanga), ng tatagukan (lalagukan), at ng brongkiyo - ang mga pamamaga ng bawat isa, kung magkakahiwalay, ay tinatawag na laringhitis, trakeyaytis (trakeyitis), at bronkitis. Ang krup - ang pamamaga ng tatlong nabanggit na mga bahagi ng panloob na katawan - ay isang impeksiyon sa paghinga na dulot ng impeksiyon ng birus sa itaas na bahagi ng daanan ng hangin. Ang impeksiyon ay humahantong sa pamamaga sa loob ng lalamunan. Ang pamamaga ay humahadlang sa normal na paghinga; ang mga sintomas ng krup ay ang "kumakahol" na ubo, estridor (isang matining na sumisipol na tunog), at pamamaos. Ang mga sintomas ng krup ay maaaring mahinahon, katamtaman, o malubhang mga sintomas, at kadalasang lumalala sa gabi. Maaaring magamot ng isang dosis ng mga isteroid ang kondisyon. Kung minsan ang epinephrine ay ginagamit sa mas malulubhang mga kaso. Ang pangangailangan na pagpapaospital ay bihirang kailangan.

Ang krup ay sinusuri batay sa mga palatandaan at sintomas, kapag ang mas malubhang mga sanhi ng mga sintomas ay hindi isinama (halimbawa, pamamaga ng epiglotis o isang bagay na nasa daanan ng hangin). Ang karagdagang mga imbestigasyon — tulad ng mga pagsusuri ng dugo, mga X-ray, at mga kultura — ay malimit na hindi kailangan. Ang krup ay isang karaniwang kondisyon at nakikita sa humigit-kumulang na 15% ng mga bata, na karaniwang nasa pagitan ng 6 na buwan at 5–6 taong gulang. Ang mga tinedyer at nasa tamang gulang na ay bihirang nakakakuha ng krup.

Mga palatandaan at sintomas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sintomas ng krup ay kinabibilangan ng isang ubo na tila parang "kumakahol", estridor (isang matining na sumisipol na tunog na karaniwan kapag lumalanghap), pamamaos, at nahihirapang huminga na karaniwang malala tuwing gabi.[1] Ang "kumakahol" na ubo ay karaniwang inilalarawan bilang kawangis ng pagtawag ng isang karnerong-dagat o leon-dagat.[2] Maaaring palalain ng pag-iyak ang sumisipol na tunog; ang sumisipol na tunog ay maaaring mangahulugan na ang mga daanan ng hangin ay makipot. Habang lumalala ang krup, maaaring mabawasan ang sumisipol na tunog.[1]

Ang ibang mga sintomas ay kinabibilangan ng lagnat, sipon (mga sintomas na karaniwan sa karaniwang sipon), at pagpasok ng balat sa pagitan ng mga tadyang.[1][3] Ang pagtulo ng laway o ang isang parang may sakit na hitsura ay karaniwang nagpapahiwatig ng ibang mga medikal na kondisyon.[3]

Ang krup ay karaniwang itinuturing na sanhi ng isang impeksiyon ng birus.[1][4] Ang ilang mga tao ay ginagamit ang kataga upang isama ang malubhang laringgotrakeyitis, pasumpong-sumpong na krup, dipterya sa gulung-gulungan, pamamaga ng trakeya dahil sa bakterya, laringgotrakeyobronkitis, at laringgotrakeyobronkoneyumonitis. Ang unang dalawang mga kondisyon ay kinasasangkutan ng isang birus at mayroong mas mahinahon na mga sintomas; ang huling apat ay sanhi ng bakterya at karaniwang mas malubha.[2]

Sanhi ng birus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa 75% ng mga kaso, ang birus na parainpluwensa - na ang mga pangunahing uri ay 1 at 2, ay ang birus na responsable sa pagkakaroon ng krup na sanhi ng birus o malubhang laringgotrakeyitis (na nakikilala sa Ingles bilang acute laryngotracheitis).[5] Minsan ang ibang mga birus na maaaring magdulot ng krup ay kinabibilangan ng trangkasong A at B, tigdas, adenobirus at respiratory syncytial virus (RSV) o respiratoryong birus na sinsityal.[2] Ang pasumpong-sumpong na krup (krup na may pagkahol) ay sanhi ng parehong grupo ng mga birus na tulad ng malubhang laringgotrakeyitis, ngunit walang karaniwang mga palatandaan ng impeksiyon (tulad ng lagnat, pamamaga ng lalamunan, at mataas na bilang ng puting selula ng dugo).[2] Ang paggamot, at ang pagtugon sa paggamot, ay pareho.[5]

Sanhi ng bakterya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang krup na sanhi ng bakterya ay maaaring hatiin sa dipterya sa gulung-gulungan, trakeyitis na sanhi ng bakterya, laringgotrakeyobronkitis, at laringgotrakeyobronkoneyumonitis.[2] Ang dipterya sa gulung-gulungan ay sanhi ng Corynebacterium diphtheriae habang ang trakeyitis na dahil sa bakterya, ang laringgotrakeyobronkitis, at ang laringgotrakeyobronkoneyumonitis ay sanhi ng isang pauna o inisyal na birus, na sinundan ng impeksiyon ng bakterya. Ang pinaka karaniwang bakterya na kasangkot ay ang Staphylococcus aureus, ang Streptococcus pneumoniae, ang Hemophilus influenzae, at ang Moraxella catarrhalis.[2]

Hindi normal na paggana dahil sa sakit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang impeksiyon ng birus ay humahantong sa pamamaga ng gulung-gulungan, trakeya, at malalaking mga daanan ng hangin na may puting mga selula ng dugo.[4] Ang pamamaga ay magdurulot ng kahirapan sa paghinga.[4]

Ang Puntos Westley (Westley Score): Pag-uuri ng kalubhaan ng krup[5][6]
Katangian Bilang ng mga puntos para sa katangiang ito
0 1 2 3 4 5
Pag-urong ng gilid
ng dibdib
Wala Mahinahon Katamtaman Malubha
Estridor Wala Mayroong
pagkabalisa
Hindi gumagalaw
Pangangasul ng balat at
membranong mauhog (sayanosis)
Wala Mayroong
pagkabalisa
Hindi gumagalaw
Antas ng
kamalayan
Normal Lito
Pasukan ng hangin Normal Bumaba Kapuna-punang bumaba

Ang krup ay sinusuri batay sa mga palatandaan at sintomas.[4] Ang unang hakbang ay ang hindi pagsasama ng ibang mga kondisyon na maaaring humarang sa itaas na bahagi na daanan ng hangin, lalo na ang pamamaga ng epiglotis, isang dayong bagay na nasa daanan ng hangin, pagkipot ng ibaba ng glotis, pamamaga sa ilalim ng balat, pagkakaroon ng nana sa lalagukan, at pamamaga ng trakeya dahil sa bakterya.[2][4]

Ang isang X-ray ng leeg ay hindi karaniwang ginagawa,[4] ngunit kapag ito ay ginawa, maaari nitong ipakita ang pagkipot ng trachea, na tinatawag na hugis kampanaryong tanda, dahil ang hugis ng pagkipot ay mukhang isang kampanaryo ng simbahan. Ang hugis kampanaryong tanda ay hindi lumalabas sa kalahati ng mga kaso.[3]

Ang mga pagsusuri ng dugo at mga pag-culture ng virus (pagsusuri para sa virus) ay maaaring magdulot ng hindi kinakailangan na pangangati sa daanan ng hangin.[4] Habang ang mga pag-culture ng virus, na nakukuha sa pamamagitan ng nasopharyngeal na aspiration (isang pamamaraan na gumagamit ng isang tubo upang higupin palabas ang plema mula sa ilong), ay maaaring magamit upang mapatunayan ang eksaktong sanhi. Ang mga culture na ito ay karaniwang ipinagbabawal sa mga gumagawa ng pagsasaliksik.[1] Kung ang isang tao ay hindi bubuti sa isang pangkaraniwang paggamot, maaaring gawin ang karagdagang mga pagsusuri upang suriin para sa bakterya.[2]

Kalubhaan

Ang pinaka-karaniwang sistema sa pag-uuri ng kalubhaan ng croup ay ang Westley score. Ang pagsusuring ito ay ginagamit para sa pagsasaliksik na mga layunin kaysa sa klinikal na kasanayan.[2] Ito ay ang kabuuan ng mga puntos na itinalaga para sa limang mga salik: antas ng kamalayan, sayanosis, stridor, pasukan ng hangin, at mga pag-urong.[2] Ang mga ibinibigay na puntos para sa bawat salik ay nakalista sa talahanayan sa kanan, at ang panghuling iskor ay sumasaklaw mula sa 0 hanggang 17.[6]

  • Ang isang kabuuang iskor na ≤ 2 ay ipinapakita ang mahinahon na croup. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng kumakahol na ubo at pagkapaos, ngunit walang stridor (pagsipol) kapag hindi gumagalaw.[5]
  • Ang kabuuang iskor na 3–5 ay inuuri bilang katamtaman na croup — ang isang tao ay mayroong pagsipol, na may ilang ibang palatandaan.[5]
  • Ang isang kabuuang iskor na 6–11 ay malubhang croup. Ipinapakita rin nito ang kitang-kita na stridor, ngunit pati rin ang pagpasok ng gilid ng dibdib.[5]
  • Ang isang kabuuang iskor na ≥ 12 ay nangangahulugan na ang hindi paggana ng bahagi sa katawan na ukol paghingaay posible. Ang kumakahol na ubo at pagsipol ay maaaring wala na sa yugtong ito.[5]

85% ng mga bata na pumupunta sa pang-emerhensiyang departamento ay mayroong mahinahon na sakit; bihira ang malubhang croup (<1%).[5]

Maraming mga kaso ng krup ang naiwasan dahil sa imunisasyon (pagbabakuna) para sa inpluwensa at dipterya. Sa isang pagkakataon sa nakaraan, ang krup ay tumukoy sa isang karamdamang madipterya, subalit dahil sa baksinasyon, madalang na ngayon ang dipterya sa maunlad na mundo.[2]

Ang mga batang may croup ay dapat panatilihing kalmado hangga’t maaari.[4] Ang mga steroid ay karaniwang ibinibigay, nang may ginagamit na epinephrine sa mga malubhang kaso.[4] Ang mga bata na may dami ng oxygen (ang dami ng oxygen sa dugo) na nasa ilalim ng 92% ay dapat bigyan ng oxygen,[2] at ang mga indibiduwal na may malubhang croup ay maaaring ipaospital para maobserbahan.[3] Kung kailangan ng oxygen, ang paglalagay ng "blow-by" (paghawak ng pinagkukunan ng oxygen na malapit sa mukha ng bata) ay inirerekomenda, dahil nagdudulot ito ng mas mababang pagkabalisa kaysa sa paggamit ng isang takip sa mukha na may oxygen.[2] Kapag may paggamot, mababa sa 0.2% ng mga tao ay nangangailangan ng paglagay ng tubo sa may trachea(isang tubo na inilalagay sa daanan ng hangin).[6]

Ang Corticosteroids, tulad ng dexamethasone at budesonide, ay maaaring gamitin upang gamutin ang croup.[7] Ang makabuluhang benepisyo ay nakukuha nang kasing aga ng anim na oras pagkatapos ng pagbibigay.[7] Habang ang mga gamot na ito ay gumagana kapag ibinibigay sa bibig (sa pamamagitan ng bibig), sa pamamagitan ng iniksiyon (sa pamamagitan ng pag-iniksiyon), o sa pamamagitan ng paglanghap, ang daan sa bibig ang mas gugustuhin.[4] Ang isang dosis ay ang karaniwang lahat ng kinakailangan, at karaniwang itinuturing na medyo ligtas.[4] Ang Dexamethasone sa mga dosis na 0.15, 0.3 at 0.6 mg/kg ay mukhang mahusay sa lahat.[8]

Ang katamtaman hanggang sa malubhang croup ay maaaring matulungan ng ini-spray na gamot sa ilong epinephrine(isang nilalanghap na solusyon na nagpapalapad sa daanan ng hangin).[4] Habang kadalasang nababawasan ng epinephrine ang kalubhaan sa loob ng 10–30 minuto, ang mga benepisyo ay tumatagal lamang sa loob ng 2 oras.[1][4] Kung ang kondisyon ay mananatiling bumuti para sa 2–4 na oras pagkatapos ng paggamot at walang ibang mga komplikasyon na mangyayari, karaniwang maaari nang umalis ng ospital ang bata.[1][4]

Ang ibang mga paggamot para sa croup ay pinag-aralan, ngunit walang sapat na ebidensiya upang suportahan ang kanilang paggamit. Ang pahinga sa mainit na singaw o mahalumigmig na hangin ay isang tradisyonal na pansariling pangangalaga na paggamot, ngunit ang mga klinikal na pag-aaral ay nabigong ipakita ang bisa[2][4] at sa kasalukuyan ito ay bihirang ginagamit.[9] Ang paggamit ng mga gamot sa ubo, na karaniwang naglalaman ngdextromethorphan at/o guiafenesin, ay hinihikayat na huwag gamitin.[1] Habang ang paglanghap ng heliox (isang pinaghalong helium at oxygen) upang pababain ang paggana ng paghinga ay ginamit dati, mayroong lubhang maliit na ebidensiya upang suportahan ang paggamit nito.[10] Dahil ang croup ay karaniwang sakit na sanhi ng virus, ang mga antibyotiko ay hindi ginagamit maliban kung mayroong pinaghihinalaang bakterya.[1] Ang mga antibyotikong vancomycin at cefotaxime ay inirerekomenda para sa mga impeksiyon ng bakterya.[2] Sa malubhang mga kaso na iniuugnay sa trangkasong A o B, angpanlaban sa virus mga pumipigil na neuraminidase ay maaaring ibigay.[2]

Pagpapahayag ng kinalabasan ng sakit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang krup na sanhi ng birus ay isang karaniwang sakit na tumatagal ng maikling panahon lamang; ang krup ay bihirang nagreresulta sa kamatayan mula sa hindi paggana ng bahagi sa katawan na ukol paghinga at/o atake sa puso.[1] Ang mga sintomas ay karaniwang bumubuti sa loob ng dalawang mga araw, ngunit maaaring tumagal ng hanggang pitong mga araw.[5] Ang ibang mga hindi pangkaraniwang kumplikasyon ay kinabibilangan ng pamamaga ng trakeya na sanhi ng bakterya, pulmonya, at pamamaga sa baga.[5]

Aral ukol sa epidemya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Humigit-kumulang na 15% ng mga bata, na karaniwang nasa pagitan ng 6 na buwan at 5–6 na taong mga gulang, ay makakakuha ng krup.[2][4] Ang krup ang dahilan ng 5% ng pagkakaospital ng grupong nasa edad na ito.[5] Sa bihirang mga kaso, ang mga batang kasing bata ng 3 buwan at kasing tanda ng 15 taon ay nagkakaroon ng krup.[5] Ang mga lalaki ay 50% mas madalas na naaapektuhan kaysa sa mga babae; ang krup ay mas karaniwan sa panahon ng taglagas.[2]

Ang salitang croup, na pinagmulan ng salitang "krup", ay nagmula sa pandiwang croup ng Maagang Modernong Ingles na nangangahulugang "umiyak nang paos"; ang pangalan ay unang ginamit para sa sakit sa Eskosya (Iskotland) at naging kilala noong ika-18 siglo.[11] Ang krup na sanhi ng bakterya ng dipterya ay naging kilala simula noong panahon ni Homer ng Sinaunang Gresya. Noong 1826, nakilala ni Bretonneau ang krup na sanhi ng birus at ang krup na sanhi ng dipterya.[12] Sa Pransiya, ang krup na sanhi ng birus ay tinawag bilang "faux-croup" ("huwad na krup"), na ginamit ang salitang "croup" para sa isang sakit na sanhi ng bakterya ng dipterya.[9] Ang krup na sanhi ng dipterya ay naging halos hindi kilala dahil sa pagdating ng mabisang imunisasyon.[12]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 Rajapaksa S, Starr M (2010). "Croup – assessment and management". Aust Fam Physician. 39 (5): 280–2. PMID 20485713. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 2.13 2.14 2.15 2.16 2.17 Cherry JD (2008). "Clinical practice. Croup". N. Engl. J. Med. 358 (4): 384–91. doi:10.1056/NEJMcp072022. PMID 18216359. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-05. Nakuha noong 2012-07-07.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "Diagnosis and Management of Croup" (PDF). BC Children's Hospital Division of Pediatric Emergency Medicine Clinical Practice Guidelines.
  4. 4.00 4.01 4.02 4.03 4.04 4.05 4.06 4.07 4.08 4.09 4.10 4.11 4.12 4.13 4.14 4.15 Everard ML (2009). "Acute bronchiolitis and croup". Pediatr. Clin. North Am. 56 (1): 119–33, x–xi. doi:10.1016/j.pcl.2008.10.007. PMID 19135584. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.00 5.01 5.02 5.03 5.04 5.05 5.06 5.07 5.08 5.09 5.10 5.11 Johnson D (2009). "Croup". Clin Evid (Online). 2009. PMC 2907784. PMID 19445760.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 Klassen TP (1999). "Croup. A current perspective". Pediatr. Clin. North Am. 46 (6): 1167–78. doi:10.1016/S0031-3955(05)70180-2. PMID 10629679. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Russell KF, Liang Y, O'Gorman K, Johnson DW, Klassen TP (2011). Klassen, Terry P (pat.). "Glucocorticoids for croup". Cochrane Database Syst Rev. 1 (1): CD001955. doi:10.1002/14651858.CD001955.pub3. PMID 21249651.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  8. Port C (2009). "Towards evidence based emergency medicine: best BETs from the Manchester Royal Infirmary. BET 4. Dose of dexamethasone in croup". Emerg Med J. 26 (4): 291–2. doi:10.1136/emj.2009.072090. PMID 19307398. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Marchessault V (2001). "Historical review of croup". Can J Infect Dis. 12 (6): 337–9. PMC 2094841. PMID 18159359. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Vorwerk C, Coats T (2010). Vorwerk, Christiane (pat.). "Heliox for croup in children". Cochrane Database Syst Rev. 2 (2): CD006822. doi:10.1002/14651858.CD006822.pub2. PMID 20166089.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Online Etymological Dictionary, croup. Napuntahan noong 2010-09-13.
  12. 12.0 12.1 Feigin, Ralph D. (2004). Textbook of pediatric infectious diseases. Philadelphia: Saunders. p. 252. ISBN 0-7216-9329-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)