Alahas
Tumutukoy ang alahas sa mga palamuting isinusuot bilang panggayak ng sarili, tulad ng mga brotse, singsing, kuwintas, hikaw, palawit, pulseras, at himelo. Maaaring ikabit ang mga alhas sa katawan o sa mga damit. Mula sa kanluraning pananaw, natatakdaan ang salita sa mga pangmatagalang burloloy, hindi kasama ang mga bulaklak bilang halimbawa. Sa loob ng maraming siglo, ang mga metal tulad ng ginto na ginamit sa mga iba't ibang kilatis mula 21, 18, 12, 9 o mas mababa pa, kadalasang isinasama sa mga batong-hiyas, ay naging karaniwang materyales para sa alahas, ngunit maaaring gamitin din ang mga ibang materyales tulad ng mga takupis at iba pang materyales mula sa mga halaman. Ito ay isa sa mga pinakalumang uri ng artepaktong arkeolohikal – ipinapalagay na ang pinakalumang kilalang alahas ay mga 100,000 taong-gulang na abaloryo gawa sa mga takupis ng Nassarius.[1] Nagkakaiba-iba ang mga pangunahing anyo ng alahas sa pagitan ng mga kultura ngunit madalas ay may napakahabang buhay; sa mga kultura ng Europa ang mga pinakakaraniwang anyo ng alahas na naitala sa itaas ay nagpatuloy mula noong sinaunang panahon, habang ang mga ibang anyo tulad ng mga adorno para sa ilong o bukung-bukong, mahalaga sa mga ibang kultura, ay di-kasingkaraniwan.
Maaaring ibuo ang alahas mula sa maraming iba't ibang materyales. Malawakang ginamit ang mga batong-hiyas at mga magkatulad na materyales tulad ng amber, sagay, mahahalagang metal, at madalas na naging halaga ang esmalte. Sa karamihan ng mga kultura, nauunawaan ang alahas bilang simbolo ng katanyagan, para sa katangian ng kanyang materyales, para sa kanyang disenyo, o para sa kanyang makahulugang simbolo. Ipinalikha ng mga alahas ang halos bawat bahagi ng katawan, mula aguhilya hanggang singsing ng paa, at kahit alahas sa pribadong ari. Sa makabagong kultura ng Europa, ang nasusuotan ng mga adultong lalaki ay medyo mababa kumpara sa mga ibang kultura at mga ibang panahon sa kultura ng Europa.
Anyo at tungkulin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit ng mga tao ang alahas sa iba’t ibang kadahilanan:
- kapaki-pakinabang, karaniwan sa pagpapanatili ng damit o buhok sa kanyang dako
- bilang palatandaan ng katayuang panlipunan at katayuang personal, gaya ng isang singsing-pangkasal
- bilang pahiwatig ng ilang anyo ng pagkakaugnay, ito man ay etniko, relihiyoso, o panlipunan.
- upang magbigay ng mala-anting-anting na proteksyon (sa anyo ng mga agimat)[2]
- bilang masining na displey
- bilang tagadala o simbolo ng pansariling kahulugan – tulad ng pag-ibig, pagdadalamhati, isang mahalagang yugto o kahit kaswertehan
- pamahiin[3]
Karamihan ng mga kultura sa kalaunan ay nagkaroon ng kagawian ng pagtatago ng malaking kayamanan sa anyo ng alahas. Maraming kultura ang nag-iimbak ng mga ubad sa anyo ng alahas o gumagawa ng alahas bilang paraan upang mag-imbak o magpakita ng mga barya. Bilang kahalili, ginagamit din ang alahas[nino?] bilang salapi o paninda;[4] gaya halimbawa ng paggamit ng mga aboloryong pang-alipin.[5]
Marami sa mga alahas, tulad ng mga brotse at hebilya, ay nagsimula bilang mga bagay na may pratikal na paggamit, ngunit nag-ebolb tungo sa mga pandekorasyon dahil nabawasan ang kanilang pagkapraktikal.[6]
Maaaring sumagisag ang alahas sa pagiging kasapi ng isang pangkat (gaya ng sa kaso ng Kristiyanong krus o ng Hudyong Bituin ni David) o estado (gaya ng sa kaso ng kadena ng opisina, o ng Kanluraning kaugalian ng pagsusuot ng mga kasado ng singsing-pangkasal).
Karaniwan sa mga ilang kultura ang pagsusuot ng mga agimat at agnos upang maproteksyonan o salagin ang kasamaan. Maaaring matamo ito sa mga simbolo (tulad ng ankh), bato, halaman, hayop, bahagi ng katawan (tulad ng Khamsa), o glipo (tulad ng mga naka-istilong bersyon ng Al-Baqara 255 sa sining Islam).[7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Study reveals 'oldest jewellery', BBC News, Hunyo 22, 2006.
- ↑ Kunz, PhD, DSc, George Frederick (1917). Magic of Jewels and Charms. John Lippincott Co.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) URL: Magic Of jewels: Chapter VII Amulets Naka-arkibo 2013-12-13 sa Wayback Machine. George Frederick Kunz, a gemmologist for Tiffany's, built the collections of banker J.P. Morgan and of the American Natural History Museum in New York City. This chapter deals entirely with using jewels and gemstones in jewellery for talismanic purposes in Western cultures. The next chapter deals with other, indigenous cultures. - ↑
Manutchehr-Danai, Mohsen, pat. (2009). "magical jewelry". Dictionary of Gems and Gemology. Berlin: Springer. doi:10.1007/978-3-540-72816-0. ISBN 978-3-540-72795-8.
magical jewelry [...] articles of jewelry worn for their magical belief, medicinal powers, or superstitions reasons.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BBC - History - Ancient History in depth: Viking Money". Nakuha noong 2017-11-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Web Team, Victoria and Albert Museum, Online Museum (2011-01-13). "Trade Beads". www.vam.ac.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-11-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Holland, J. 1999. The Kingfisher History Encyclopedia. Kingfisher books.
- ↑ Morris, Desmond. Body Guards: Protective Amulets and Charms. Element, 1999, ISBN 1-86204-572-0.